Monday, July 12, 2010
LyRiKa dE FaTimA: a DrEaM cOmE tRuE
Dalawang taon na ang nakakaraan nung sumali ako sa Fatima Antipolo Chorale. Mahilig ako kumanta ngunit hindi ako magaling sa larangan na iyon. Hindi ko nga alam kung panu ako nakasama sa organisasyon na ito, kumakanta ako pero yung tipong pang-banyo lang. =)) May experience na ako sa pagkanta kaso parang iba naman yun sa kumpara sa gawain ng isang chorale. Kaya napaka-pleasured ng pakiramdam ng mapabilang ako.
Nagsimula ang lahat sa simpleng performance sa school, halos lahat intermission number. Tapos, nakakakanta na kami sa misa at di naglaon, ang pinakabreak ng chorale ay nung kumanta kami sa SM Valenzuela, dalawang set pa yun ng kanta. Every performance kahit sa isang klasrum lang basta trip niyo lang kumanta, napaka-uplifting ng pakiramadam. Siguro ganun talaga ang pakiramdam kapag gusto mo yung ginagawa mo. Walang dull moment.
Nagtagal ako sa chorale sa kabila ng busy schedule ng isang nursing student, hindi lang siguro dahil gusto ko ang pagkanta at natututo ako ngunit dahil na rin ang mga pagkakaibigan na nabuo. Hindi matatawaran ng kahit anong bagay ang mga taong nakilala ko. Sa labas o sa loob ng school, higit pa sa choirmates, hindi lang barkada, hindi lang kaibigan dahil pamilya na ang turingan namin. Kung may babaunin man akong aral o karanasan sa pagkakasali sa chorale, siguro yung karangalan na makakanta ako sa entablado kasama ang naituring mo na pamilyang nabuo dahil sa pagmamahal sa musika.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
nice monick :)
ReplyDeletesalamat po., =))
ReplyDelete