Monday, July 19, 2010

GiNiNTuAnG jEEp: mga karanasan sa loob ng jeep



Hindi nakukumpleto ang pagkaPILIPINO mo kung hindi ka pa nakakasakay ng jeep.
Marami ka bang karanasan sa pagsakay mo na kailan man ay hindi makakalimutan???
Naranasan mo na bang sumakay sa jeep na konti nalang lilipad na???
E yung tipong lima pa.. lima pa.. bago mapuno pero pagsumakay ka, wala pa sa kalahati ng pwet mo yung nakaupo???
Naranasan mo bang matabi si kuyang may konting amoy??? either mabago o alam nah.. hehehe..
Naranasan mo na bang makasabay ng gwapo at maganda??? umaga palang kay ganda ganda na..
Nakasakay ka na ba sa jeep na gustong maging headline ng balita kinabukasan??? sa sobrang bilis magpatakbo, balak atang magpabunggo...
Naranasan mo na bang mgabayad ng mahal samantalang ang lapit lang ng babaan mo?? sa pila ka kasi nakasakay, walang estudyante-estudyante..
E yung nagsabi ka ng "estudyante lang po" ang sabi ay di counted pag sabado ang discount ng estudyante... lalo naman tuwing summer, wala daw student fare..
Nakaranas ka na bang sumabit sa jeep??? o kaya naman ang makikandong sa kasama??? e yung tipong nsa sahig ka???
May natyambahan ka bang konduktor na SM as in simpleng manyak???
O yung puting-puti kang pumasok ng jeep pero bumaba ka na multicolored na ang damit mo???
Naranasan mo na bang maibaba ka ng lampas-lampas na sa dapat mong pagbababaan at dapat ka pang magwalkathon pabalik??? nag-jeep ka pa, maglalakad ka din pala...
Naranasan mo na ba yung sukli mo, tipong gusto langa naman ni kuyang konduktor na keep the change na, sa sobrang tagal bago ibigay?? sinasadya atng kalimutan..
Naranasan mo bang sumakay sa jeep na daig pa ang concert sa loob nito na tipong hindi na kayo magkarinigan ng katabi mo??
E ang magreview sa loob ng jeep habang umaandar??


hay... buhay jeep nga naman, nakakawindang.. it starts our day right or malamang not... hehe..

No comments:

Post a Comment